Room for Cielo - Takbo

Ikaw ay nagtago
Sa liwanag ng mundo
Nung puso'y nasaktan
At iniwang sugatan

Ika'y nabilanggo
Sa pait na natamo
At di mapakawalan
Ang tanong sa isipan

Paano kung muli lang mabigo
Huwag kang tumakbo papalayo

Sa iyong nakaraan
Ako ang lunas at daan
Upang iyong mabalikan
Ang muli pang magmahal

Lahat ng duda't alangan
Aalisin ko't iibsan
Pagkat ikaw ang dahilan
Na ako'y muling magmamahal

Ako'y minsan na ring
Nadala sa panaginip
Na walang katapusan
Lahat ng nasimulan

Ngayo'y humahakbang
Pabalik sa sinag ng pag-ibig kung saan ikaw
Ang siyang natatanaw

Huwag sanang tumakbo papalayo
Hindi ka na muling mabibigo

Sa iyong nakaraan
Ako ang lunas at daan
Upang iyong mabalikan
Ang muli pang magmahal

Lahat ng duda't alangan
Aalisin ko't iibsan
Pagkat ikaw ang dahilan
Na ako'y muling magmamahal ooh

Lahat ng takot n asa atin
Bumabalot palayain
Na sa kawalan
Huwag nang mag-alinlangan

Magagawang takasan ang mundo
Kung magkasama tayong tatakbo

Sa iyong nakaraan
Ako ang lunas at daan
Upang iyong mabalikan
Ang muli pang magmahal

Lahat ng duda't alangan
Aalisin ko't iibsan
Pagkat ikaw ang dahilan
Na ako'y muling magmamahal

Lahat ng takot na sa atin
Bumabalot palayain
Na sa kawalan
Huwag nang mag-alinlangan

Hayaan ang pusong bitiwan
Na sawi pang naranasan
At tayo'y sumugal
At subukang magmahalan

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Room for Cielo

Room for Cielo

View Profile