Room for Cielo - Hanggang Dito

Hindi ko alam kung pano napunta dito
Bakit biglang ikaw ay lumalayo
Hanggang dito na lang ba
Maiiwan na bang nakatago
Sa mga alaala ng dating 'di na maibabalik

Ha 'di kailangan sakin lang ang iyong mundo
Huwag lang hayaang 'di alam sa'n 'to patungo
Aanhin pa ang mga halik
Kung ang lahat ng ito ay wala rin lang sa'yo oh

Ang dating makulay ngayon bakit ang labo
Wala pang humpay ang mga pagtatalo
Hanggang dito na lang ba
Narating na ba natin ang dulo
Gayon pa may umaasang mababalik

Ha di kailangan sakin lang ang iyong mundo
'Wag lang hayaang 'di alam sa'n 'to patungo
Aanhin pa ang mga halik
Kung ang lahat ng ito ay wala rin lang sa'yo

Hayagang sa akin nang walang pag-ibig
Ang dating kayinit bakit nanlamig
Kung hanggang dito na lang
Huwag mo nang idaan
Sa kunwa-kunwarian bakit 'di subukan na ang dati maibalik

Ha 'di kailangan sakin lang ang iyong mundo
Huwag nang hayaang 'di alam saan 'to patungo
Aanhin pa ang mga halik
Kung ang lahat ng ito ay tuluyang maglalaho
Kung ang lahat ng ito ay bigla mong ihihinto
Kung ang lahat ng ito ay hanggang dito na lang sa iyo

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Room for Cielo

Room for Cielo

View Profile