Room for Cielo - Bukas, Makalawa

Ilang araw na akong nalilito
Wisyo ko'y nagkabuhol-buhol na sa kakaisip sayo
Tanda ko nung makita ka nung isang linggo
Mundo ko'y nag slow-mo
Di bale bukas makalawa mawawala rin 'to

Oh kapag nakikita ka'y lumalayo
Puso ko'y 'di mapakali biglang natutuliro
Sa isang marikit na alaalang bumabalik
At bakit di ko magawang limutin ka
Mag mo-move on na lang ako bukas makalawa

Ilang buwan na rin nung huling nagkasama
Pero matanaw ka lang sa tiyan ko may kumukurot na
Ide-delete na ba yung number mo na
Ilang taon ko ng kabisa kaya lang baka
Sakaling bukas makalawa ay mapatawag ka
Sa bawat hinaing nitong damdamin ako'y bumabalik
Sa ating nakaraan na tila
Panaginip na 'di na yata ako makakawala
Huwag naman sana

Oh kapag nakikita ka'y lumalayo
Puso ko'y 'di mapakali biglang natutuliro
Sa isang marikit na alaalang bumabalik
Bakit 'di ko magawang limutin ka
Mag mo-move on na lang ako bukas makalawa

Ah
Bukas makalawa ikaw naman ang maghahabol sakin
Bukas makalawa ako naman ang mang-aagaw pansin
Ang lahat ng 'to ay sa bato itataga ang kaso lang baka...
Ang bukas makalawa abutin pa ng ilang dekada
Huwag naman sana

Sa isang marikit na alaalang bumabalik
Bakit di ko magawang limutin ka
Di na pwedeng ganito kailangan ko na maka move-on na
Promise bukas makalawa meron na 'kong iba

Pero kapag nakikita siya'y lumalayo (bukas makalawa)
Pero kapag nakikita siya'y lumalayo (meron na akong iba)
Pero kapag nakikita siya'y lumalayo
Pero kapag nakikita siya'y lumalayo
Pero kapag nakikita siya'y lumalayo

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Room for Cielo

Room for Cielo

View Profile