Jaywalkers - Pagkakataon

Di malaman sa'n ba lulugar
May puwang ba sa 'yong pagmamahal

Lagi na nilang inaasar
Bakit daw ako sumusugal
Halik sa hangin
Ang dahilan
Libre lang naman kasi ang umasa
Baka sakaling mapagbigyan
At balang araw ika'y makasama

Di na ako bubulong
Damdamin ay di na ikakahon
Isisigaw ko malakas
Damdamin ay ilalabas
Baka wala nang
Susunod na pagkakataon

Batid ko na madrama ang dating
Masyado lang sigurong nahuhumaling
Kailan ka rin magmukhang tanga (napakatanga)
Mahalaga'y maipakita

Ang damdamin
Di maamin
Ang pag-ibig ko sa 'yo
Nais lamang ay malaman at
Maipadama sa iyo

Gitara lang ang tanging sandalan
Kasama ang damdamin at panulat
Di naman sa nagmamayabang
Gusto ko lang nama'y maisambulat

Di na ako bubulong
Damdamin ay di na ikakahon
Isisigaw ng malakas
Damdamin ay ilalabas
Baka wala na
Wala na

Di na 'ko bubulong
Damdamin ay di na ikakahon
Isisigaw ng malakas
Damdamin ay ilalabas
Baka wala ng
Susunod na pagkakataon (di malaman sa'n ba lulugar)
Pagkakataon (may puwang ba sa 'yong pagmamahal)
Pagkakataon (di malaman sa'n ba lulugar)
Pagkakataon (may puwang ba sa 'yong pagmamahal)
Pagkakataon

Written by:
Neil Satoquia

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

Jaywalkers

Jaywalkers

View Profile
Pagkakataon - Single Pagkakataon - Single