Bad New Days and Seh Dela Peña - Kalayaan

Ang tanging kakalma sa aking buhay
Ay ang iyong kamay na lagi kong gustong hawakan
Halika na marami pang gustong sabihin
Ayoko na sanang away pa ang isipin

Araw-araw litong-lito ginugulpi ang puso ko
Sampung sampal tatlong sipa nasa impyerno na

Hinding hindi ko inakala na ikaw pala ay mag-iiba
Akala ko'y anghel na kaybait pero may sungay na di makita

Ang tanging pagsusumamo ko
O Diyos ko sagutin ako
Ang tanong ko ay simple lang
Totoo bang nagmamahalan

Meron akong bagay na di maunawaan
Ang iyong pag-ibig ba ay meron ng hangganan
Ang bago mong sagot sa bawat tampuhan
Ay ang iyong kamao na aking kinatatakutan

May dugo ang pisngi at labi
May riing suntok sa aking labi
Ilang hampas pang dapat makuha
Bago masabing umalis ay tama

Hinding hindi ko inakala na ikaw pala ay mag-iiba
Akala ko'y anghel na kaybait pero may sungay na di makita

Ang tanging pagsusumamo ko
O Diyos ko sagutin ako
Ang tanong ko ay simple lang
Hanggang kailan siya pagbibigyan

Hinding hindi ko inakala na ikaw pala ay mag-iiba
Akala ko'y anghel na kaybait pero may sungay na di makita

Ang tanging pagsusumamo ko
Diyos ko siya'y kausapin mo
Kung ako'y sasaktan niya lang
Bigay mo na ang aking kalayaan

Written by:
ROSAURO GARCIA

Publisher:
Lyrics © Songtrust Ave

Lyrics powered by Lyric Find

Bad New Days and Seh Dela Peña

View Profile
Kalayaan (feat. Seh Dela Peña) - Single Kalayaan (feat. Seh Dela Peña) - Single