Andrej Agas - Lumayo Ka Na Sa Akin

Lumayo ka na sa akin
Di na kita mahal
Ikaw ay nais nang limutin
Puso'y pagod nang magmahal
Hindi ikaw ang para sa akin
Di na kailangang magtagal
Huwag na natin pang pilitin
Huwag nang magpakahangal
Wala ng saysay pangako noon
Di na mababalik ang mga panahong
Nasayang lang ang pagkakataon
Mahal kita noon pero di na ngayon
Di na magkakaroon
Lumayo ka na sa akin
Pinapalaya na kita
Sugat masyadong nang malalim
Malabo nang maghilom pa
Di na kaya pang ayusin
Problema nating dalawa
Mas mabuti nang tapusin
Kaysa naman masaktan pa
Wala ng saysay pangako noon
Di na mababalik ang mga panahong
Nasayang lang ang pagkakataon
Mahal kita noon pero di na ngayon
Di na magkakaroon
Ng pagasa na tayo magsama
Hindi liligaya kung tayong dalawa ipipilit pa ba kung di na masaya
Lumayo ka na sa akin
Huwag nang hanapin ang wala
Balangaraw liligaya din
Tayo, sa piling ng iba

Written by:
Andrej Dominik Agas

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find