Hope Filipino Worship - Karapat-Dapat

Dinggin mo aming Ama
Itong dalangin na aming inaalay
Pawiin mo ang pusong pagal
Yakapin Mo kami ng 'Yong pagmamahal

Di man akalaing
Tulad ko'y mamahalin
Ngunit pag-ibig na wagas
Ang Iyong hatid

Hindi kami karapat dapat
Ngunit buhay Mo ay Iyong inalay
Sa kabila ng lahat
Iyong tinanggap
Tinawag Mo kaming Iyong anak

Di masusukat di nagkukulang
Pag-ibig mo'y sapat sa'min kaylanpaman
Lumalabis umaapaw
Kagandahang loob na sa'mi'y nagligtas

Kahit di kami karapat dapat
Ngunit buhay Mo ay Iyong inalay
Sa kabila ng lahat
Iyong tinanggap
Tinawag Mo kaming Iyong anak

Written by:
Fressie Dela Cruz, Jamaica Layugan, Lorepee Yparraguirre, Ma. Fernina Villanueva

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

Hope Filipino Worship

View Profile
Diyos Ka Sa Amin Diyos Ka Sa Amin