Hope Springs Eternal - Sanggalang

Sa gawi ng bundok tumitingin ako
Saan manggagaling ang aking saklolo
Ang hangad kong tulong
Sa Diyos magmumula
Sa Diyos na lumikha
Ng langit at lupa

Huwag sana akong bayaang mabuwal
Huwag sana akong bayaang mabuwal
Handang lagi Siya
Sa pagsasanggalang

Ang Tagapagtanggol ng bayang Israel
Hindi natutulog at palaging gising
Ang Diyos na si Yahweh
Siyang magbabantay
Laging nasa piling upang magsanggalang

Di ka magdaramdam sa init ng araw
Kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan
Sa mga panganib ikaw ay ililigtas
Nitong Panginoong Siyang mag-iingat
Saan man naroon ikaw ay iingatan
Di ka maano kahit na kailan

Sa gawi ng bundok (Sa gawi ng bundok)
Tumitingin ako (Tumitingin ako)
Saan manggagaling (Saan manggagaling)
Ang aking saklolo (Ang aking saklolo)

Ang hangad kong tulong (Ang hangad kong tulong )
Sa Diyos magmumula (Sa Diyos magmumula)
Sa Diyos na lumikha (Sa Diyos na lumikha)
Ng langit at lupa (Ng langit at lupa)

Huwag sana akong bayaang mabuwal
Huwag sana akong bayaang mabuwal
Handang lagi Siya sa pagsasanggalang

Huwag sana akong bayaang mabuwal
Huwag sana akong bayaang mabuwal
Handang lagi Siya
Sa pagsasanggalang

Written by:
Antonio Alex Manongdo

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

Hope Springs Eternal

Hope Springs Eternal

View Profile