Hope Springs Eternal - Mapalad Ka

Sa pagdating ng Sugo ng kalangitan
Pakinggan mo ang tawag ng kaharian
Mapalad ka, mapalad ka
Ipagbunyi ang dakilang pagsakop Niya
sa siphayo ng bansang naaapi't aba
Mapalad ka, mapalad ka

Mapalad ka, O Herusalem
Tatahak sa paanan mo ang Haring sa iyo'y tutubos
Magalak ka na, bayang Israel
Pagpalain ang dumarating sa Ngalan ng Panginoon

Salubungin nang buong giting ang Mesiyas
Isang bagong umaga ang iyong mamamalas
Magbangon na, magbangon na
Sa rehas ng pagkakaalipi'y lalaya
Dahop at ligalig ay magpaparaya
Magbangon na, magbangon na

Mapalad ka, O Herusalem
Tatahak sa paanan mo ang Haring sa iyo'y tutubos
Magalak ka na, bayang Israel
Pagpalain ang dumarating sa Ngalan ng Panginoon

Aling puso nga kaya ang di matitinag
sa kapusikitan ng dilim ay sisinag
Ang pag-ibig Niya, ang pag-ibig Niya
Tutupdin ang winika nang walang balam
Pangakong bitaw sa lahi ni Abraham
Ang pag-ibig Niya, ang pag-ibig Niya

Mapalad ka, O Herusalem
Tatahak sa paanan mo ang Haring sa iyo'y tutubos
Magalak ka na, bayang Israel
Pagpalain ang dumarating sa Ngalan ng Panginoon

Mapalad ka, O Herusalem
Tatahak sa paanan mo ang Haring sa iyo'y tutubos
Magalak ka na, bayang Israel
Pagpalain ang dumarating sa Ngalan ng Panginoon

Written by:
Antonio Alex Manongdo

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

Hope Springs Eternal

Hope Springs Eternal

View Profile