Si-Ey - Sabi Mo (feat. Clint Deegee)

Nung una naniwala ako na
May pagasa pala ang mundo
Sa tuwing ikay nasa isipan ko
Tila ang oras humihinto

Alam mo bang ikaw lang ang ibig ko
Hanggang nagbago ang isip mo
Ano pa ba ang ninanais mo
Bakit iniwan mo lang ako

Bakit ganito
Naniwala sayo
Bakit ganito
Nagtiwala ako

Sabi mo
Sasamahan mo ako
Sabi mo
Iibigin hanggang dulo ng mundo

Sabi mo walang iwanan
Pag-ibig na walang hanggan
Umasa ako, naniwala sa yo
Pero nasaan ka na, iniwanan mo yata ako

Lagi kang nasa aking isip
Pinipigil ang pusong nagsasakit
Alam mo ba sa gabi ikaw ang napapanaginip
Ngunit paggising aking dibdib, nagsusumikip

Sabi mo ako lang walang iba
Pero ngayo'y iba ang kasama
Saan ako nagkamali
Dahil ba ikaw ang aking inibig

Sabi mo
Sasamahan mo ako
Sabi mo
Iibigin hanggang dulo ng mundo

Ako man ay may pagkukulang
Sana hinayaan mong aking mapunan
Handa naman akong gawin ang lahat e
Kasi mahal kita at sa puso ko ay ikaw lang

Sabi mo tayo hanggang wakas
Sabi mo may pag-ibig na wagas
Ako naman ay baliw na naniwala
Iyon pala ako ay balewala

Bakit ganito
Naniwala sayo
Bakit ganito
Nagtiwala ako

Sabi mo
Sasamahan mo ako
Sabi mo
Iibigin hanggang dulo ng mundo

Written by:
Carl Angelo Vallejos

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

Si-Ey

View Profile