Mooz PH - Kapag Umuulan

Umuulan nanaman
Ikaw ang gustong pagmasdan
Kahit buong magdamag pa yan
Di ako magsasawang

Tignan ang yong mga matang
Tumutunaw sa titig palang
Paalalang lumaban lang
Magpapatuloy hanggang

Sa dulo ito ang kwentong di pagsuko
Nang ikaw at ng ako
Sa altar na patungo
Sa tagal di nagbago ang ating mga plano
Eto na nga to
Pagtupad sa pangako

Umuulan nanaman
Ikaw ang gusto kong nandiyan
Kahit buong magdamag pa yan
Di ako magsasawang

Tignan ang yong mga ngiting
Itinadhana sa'kin
Paalalang gagawin
Ang lahat ng masabing

Mahal nakikinig ka ba
Tumatama ang kaba kapag may ginagawa
Huminto ka muna
May sasabihin lang ako
Medyo mahaba-haba pa to
Ba't di ka muna umupo

Matagal-tagal na rin tong
Pinagsamahan natin
Kahit di mo man pansin
Ika'y sobrang mahal parin at
Sobrang salamat din sa
Pag tiyatiyaga mo sa'kin
Sa walang humpay mong suporta't
Pag-iintindi sa'kin

Mga lambing mo ang patunay
Sa iyong pagmamahal
Ikaw ang habang buhay
At ihaharap sa maykapal
Ang lahat naman ng iyan ay
Kanyang sagot saking dasal
Ako naman ang aalalay
Patungo sa walang Hanggan

Sa dulo ito ang kwentong di pagsuko
Nang ikaw at ng ako
Sa altar na patungo
Sa tagal di nagbago ang ating mga plano
Eto na nga to
Pagtupad sa pangako

Written by:
Darrel Chan

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

Mooz PH

View Profile