EL Ultimo - Resiklong Puso

Pagsintang kay tamis
Minahal ko ng labis
Sa hiwalayan din nauwi
Damdamin ko'y nasaktan
Bigla na lang iniwan
Parang laruang pinagsawaan
Nang biglang ika'y dumaan
May ngiting iniwan
Luha ko'y napalitan
Ng bagong saya
Lagi nang nasa isip ka
Sana ay makilala
Bigyan mo ng pag-asa
Itong nadarama
Di man ikaw ang unang halik
Di man ikaw ang aking unang inibig
Nang makilala ka
Binigyang pag-asa tong dating basura
Pinulot mo, binuo mo
Inayos mo tong pusong pira-piraso
Sana ay tanggapin at ingatan ang aking
Resiklong puso
Sa wakas ay dumating
Paulit-ulit kong hiling
Muli kitang nakita
Kayganda
Ngunit ako'y nahihiya
Lapitan ka'y di magawa
Ako'y hanggang nakaw tingin
Na lang ba
Nang biglang tumitig ka
Ngumiti at lumapit pa
Para bang tong puso ko'y
Sasabog na
Boses mo ay kay lambing
Mata mo'y nagniningning
Alam kong pag-ibig na
Itong nadarama
Di man ikaw ang unang halik
Di man ikaw ang aking unang inibig
Nang makilala ka
Binigyang pag-asa tong dating basura
Pinulot mo, binuo mo
Inayos mo tong pusong pira-piraso
Sana ay tanggapin at ingatan ang aking
Resiklong puso
Pinulot mo, binuo mo
Inayos mo tong pusong pira-piraso
Sana ay tanggapin at ingatan ang aking
Resiklong puso
Resiklong puso

Written by:
John David Cortez

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

EL Ultimo

View Profile
Resiklong Puso - Single Resiklong Puso - Single