Infinite Ridge - Ugong Ng Kalikasan

Naalala mo ba nung ika'y bata pa
Berdeng lupa na kayganda
Ngiti ng mga bulaklak
Mga pusong puno ng galak
Lumipas ang mga araw
Pananaw tila'y natunaw
Kasakima'y niyakap
Kahit mga puno'y umiiyak
Buksan mo ang iyong mata
At dinggin mo ang panaghoy nila
Kagubata'y lumuluha
Wag mo sanang itatuwa
Sige na humayo ka
Oras na para ibigin siya
Bigyang pansin ang mundo natin
Kalikasan ay mahalin
Pakinggan huni ng ibon
May ngiti sa dapit hapon
Sa tulong ng Panginoon
Halina't tayo'y tumugon
Basura'y wag ikalat
Sa daan ilog o dagat
Usok sa kalangitan
Sana'y ating bawasan
Buksan mo ang iyong mata
At dinggin mo ang panaghoy nila
Kagubata'y lumuluha
Wag mo sanang itatuwa
Sige na humayo ka
Oras na para ibigin siya
Bigyang pansin ang mundo natin
Kalikasan ay mahalin
Sa maliit na paraan
Pagbabago'y makakamtan
Kabutihan ang tularan
Yakapin inang kalikasan
Sige na humayo ka
Oras na para ibigin siya
Bigyang pansin ang mundo natin
Kalikasan ay mahalin
Sige na humayo ka
Oras na para ibigin siya
Sa tulong ng Panginoon
Halina't tayo'y tumugon
Sige na humayo ka
Oras na para ibigin siya
Sa tulong ng Panginoon
Halina't tayo'y tumugon

Written by:
Joshua Emmanuel Digon

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

Infinite Ridge

View Profile