Ex Battalion - Darating Din

Darating ang panahon magiging akin ka
Kahit hindi pa man ngayon
Pursigido ako na kuhain ka
Basta sabihin mo na lang sa'kin
Kung pwede na ok na
Kung kelan ka handa
Sasamahan kita magdamag araw araw magkikita mag uusap hanggang pagtanda
Dahil ako ay lubos na lubos
At taos pusong umiibig walang makakahadlang
Sa'yo aking panahon
Ibubuhos at pangako sa iyo hinding hindi ako mananabang
Kahit na sino pang dumating sa'king buhay
Hinding hindi kita ipagpapalit pangako 'yan
Dahil ikaw ang pangarap ko
Mula pa dati kaya ako ay nasasabik na makamit alam mo 'yan
Kung papalarin nga lang ay walang minutong lumilipas
Na 'di ako sa'yo humahalik
Kaya sana sa pagdating ng panahon
Tayong dalawa at ang singsing sa kamay mo ikakabit

Darating din ang araw na tayo'y magsasama
Puso'y 'di magsasawang maghintay
Kalakip ang pagsama na magiging tunay
Magiging tunay magiging tunay
Darating ang panahon na tayo'y habang buhay

Handa ako na maghintay sa'yo
Kahit matagal na panahon
Darating rin ang tamang araw na
Sa'kin ay magiging akin ka
Ang katulad mo na binibini
Sa'kin 'di ka magsisisi 'pag nangyari ang hiling ko na mapasa'kin ka
Sobrang mahal kita kung alam mo lang
Sana makita mo tunay at walang
Halong pangangamba ang pag ibig ko sa'yo ay 'di na magbabago sana'y alam mo 'yon

Kung tadhana man nagplano
Kung paano guhit nitong mga palad natin ay mabago
Madala kung sa'n ka ba niya idadako
At isang araw sa paglalakad ay mabangga ko
Ang dalaga na sa'kin nagsisilbing bahaghari
Ang pinakamakislap na bituin
'Di kita susungkitin bagkus hahayaang kang mahulog din
Sa'kin at umasa kang ika'y aking sasaluhin
Sa ngayon ang natatanging na posible na mangyari
Ay ang matitigan lang kita ng libre habang pinapangarap ka
Tapos kapag pwede na
Pwede bang itimbre

Darating din ang araw na tayo'y magsasama
Puso'y 'di magsasawang maghintay
Kalakip ang pagsama na magiging tunay
Magiging tunay magiging tunay
Darating ang panahon na tayo'y habang buhay

Pero 'di basta gano'n lang kadali
Makibagay kang tadhana hindi pwedeng magmadali
Sadyang merong mga bagay na kailangang unawain
Kapain munang maigi tsaka bago mo kuhain
Darating ang pagkakataon sa'kin ka hahalik
Ako na'ng tagasundo mo at sa'yo maghahatid
Darating ang panahon pangalan ko ang kakabit
Ng pangalan mo at sa altar kita ihahatid
Kaya nga ako sa'yo ay laging ganado na mag abang
Umasang 'di titigil at pag ibig 'di magtatapang
Ano man ang mangyari kahit meron pang mga hadlang
Lahat sila panis at ang katulad mo ay sa'kin lang

Darating din ang araw na tayo'y magsasama
Puso'y 'di magsasawang maghintay
Kalakip ang pagsama na magiging tunay
Magiging tunay magiging tunay
Darating ang panahon na tayo'y habang buhay

Oh
Darating ang panahon na tayo'y habang buhay
Oh
Darating ang panahon na tayo'y habang buhay

Darating din ang araw na tayo'y magsasama
Puso'y 'di magsasawang maghintay
Kalakip ang pagsama na magiging tunay
Magiging tunay magiging tunay
Darating ang panahon na tayo'y habang buhay

Written by:

Publisher:
Lyrics © TUNECORE INC, TuneCore Inc.

Lyrics powered by Lyric Find

Ex Battalion

Ex Battalion

View Profile
X X