Infinite Ridge - Wag Bibitaw
Pumapatak na ang luha
Mga ngiting walang sigla
Pilit na pinapalakas
Mga pusong napagod na
Saksi ang mga bintana
Hirap na iyong tinitiis
Ilang beses tumingala
Hingi sa Diyos ang awa
Kailan masisilayan
Ang liwanag ng buwan
Tinatakpan ng ulap
Bawat gabing nagdaan
Kailanma'y 'wag bibitaw
Kaya mo yan, lumaban ka lang
Kahit pagod at nagdurusa
Sa pinag-dadaanan
Iilaw din sa karimlan
Ngingiti rin ang kalangitan
Mga hadlang malalampasan
Wag sumuko, Wag bibitaw
Sa bawat pagsubok na dadaanan mo
May lunas na darating
Sa bawat delubyo
Araw ay sisikat din
Tibayan ang iyong loob
Wag kang patitinag
Tuloy lang sa paglalayag
Lalong magpakatatag
Kailan masisilayan
Ang liwanag ng buwan
Tinatakpan ng ulap
Bawat gabing nagdaan
Kailanma'y 'wag bibitaw
Kaya mo yan, lumaban ka lang
Kahit pagod at nagdurusa
Sa pinag-dadaanan
Iilaw din sa karimlan
Ngingiti rin ang kalangitan
Mga hadlang malalampasan
Wag sumuko, Wag bibitaw
Marami pang luha
Ang maaaring dumating
Pero alam ng puso kong
Itoý malalagpasan mo rin
Kailanma'y 'wag bibitaw
Kaya mo yan, lumaban ka lang
Mga hadlang malalampasan
Wag sumuko, Wag bibitaw
Wag Bibitaw
Wag Bibitaw
Wag Bibitaw
Written by:
Manuel Justin Digon
Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid
Lyrics powered by Lyric Find