Jerrold Angeles - Kahapon (feat. Jem Cueto)

Pag gising sa umaga ay naalala ka
Tila mga nangyari ay para' lamang kanina
Balak ko naman talaga'y limutin ka
Sadyang kahapon natin saaki'y mahalaga
Sinong di iibig sa katulad mo
Ikaw ang bossing na laging merong plano
Kung mag isip ay parang isang antigo
Kung magmahal naman ay napaka moderno
Di ba pwedeng ibalik ang kahapon
Magkasama lang buong maghapon
Sana ay nandito ka pa saking tabi
Pinag-mamasdan ang mapula mong mga labi
Sino ba namang makakalimot sa pag ibig mo
Tipong kakagising ko palang buo agad ang araw' ko
Oh' kay sarap namang' balik balikan
Tamis ng bawat sandali't halik' ng nakaraan
Ang kaso lang' hanggang balik tanaw na lamang ba
Hiling na bumalik yoko kasing masayang ka
Hapon na, magkasama masaya
Nakatingin ka lang sa ulap, ako naman sa mga mata
Mo binibini ikaw pa rin pinipili
Na pag aalayan ng' tinatangi kong pag ibig
Kada titig sa mata ay parang na paralisa
Para bang kaluluwa'y naglalapit pinag isa
Sa panaginip ko na lamang ba' iguguhit
Ang imahe ng kahapon sapagkat hindi nasulit
Oo sayang talaga, nagtapos na ang lahat
Nagsimula kana ng storyang may iba na pamagat
Di ba pwedeng ibalik ang kahapon
Magkasama lang buong maghapon
Sana ay nandito ka pa saking tabi
Pinag-mamasdan ang mapula mong mga labi
Di ba pwedeng ibalik ang kahapon
Magkasama sa bawat mga hamon
Sana ay mayroon' pang pagkakataon
Hinaharap ay sisimulan natin ngayon

Written by:
Jem Cueto, Jerrold Merrick Angeles

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

Jerrold Angeles

View Profile