Dione - Orasan, Kailan?
Tulog na ang lahat, dilat ang mga mata
Inaabangang lumiwanag ang kalangitan
Nagdadasal, umaasang
Gabi ay lumisan na
Naghahanap ng paraan
Nang mawala itong nadarama
Hanggang paghihintay na lang
Ang tanging magagawa
Nagbabakasakaling
Ang oras ay kaibigan niya
Bawat pagpatak ng luha
Hinihiling makasama ka
O-orasan, o-orasan, o-orasan
Igalaw mo na ang iyong mga kamay
O-orasan, o-orasan, o-orasan
Baka naman pwedeng bilisan
Kami'y palayain mo na
Hindi sapat ang mga larawan
Pangarap kang mahawakan
Tumakbo na sa higaan
Panaginip, baka ika'y mayakap
Araw-araw may balita
Ngunit wala ang hinahanap
Wala ngang karamdaman
Nag-aalala, kumakatok ang kalungkutan
Nagbabakasakaling
Ang oras ay kaibigan niya
Bawat pagpatak ng luha
Hinihiling makasama ka
O-orasan, o-orasan, o-orasan
Igalaw mo na ang iyong mga kamay
O-orasan, o-orasan, o-orasan
Baka naman pwedeng bilisan
Kami'y palayain mo na
Dali-dalian na
Lilipas na ba ang lahat?
Bakit lalong bumabagal?
Maghihintay hanggang kailan?
Dali-dalian na
Dali-dalian na
Dali-dalian na
Orasan, hanggang kailan?
O-orasan, o-orasan, o-orasan
Igalaw mo na ang iyong mga kamay
O-orasan, o-orasan, o-orasan
Baka naman pwedeng bilisan
Kami'y palayain mo na
O-orasan, o-orasan, o-orasan
O-orasan, o-orasan
Kailan?
Written by:
Claire Ibarra
Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid
Lyrics powered by Lyric Find