Deno - Laging Ikaw (feat. Poleen Reyes)

Ikaw palagi ang sambit ng aking bibig
Sa pag pintig pangalan mo laman nitong dibdib
Ang tinig mo iniisip oh panaginip ko palagi ay ikaw
Ang puso kong dating bato ngayon ay sumigaw, lumitaw, humiyaw
Ang puso sinta
Pero kahit na ganon sa mahabang panahon mula noon hanggang ngayon bawat pagkakataon makalipas ang mga taon ay laging ikaw

La-la-laging ikaw nais na matanaw, at tanging sigaw nitong puso ko
Kahit sabi nila ay malabo ka nang makamit pa sinta ngunit laging ikaw

Sa mga oras na ako'y mahina
Ikaw palagi ang nagbibigay lakas sa tuwina

Sa isang ngiti mo lang ako'y naniwala, na pinagpala pala ako ni bathala

Ngunit dumating araw narinig mula sa'yo, na ang aking paglayo ay ang 'yong pagkabuo

Ganun pa man wala na ngang iba, isa ang tanging sigaw
Pagka't laman nitong damdamin ko'y walang iba laging ikaw

La-la-laging ikaw nais na matanaw, at tanging sigaw nitong puso ko
Kahit sabi nila ay malabo ka nang makamit pa sinta ngunit laging ikaw

La-la-laging ikaw nais na matanaw, at tanging sigaw nitong puso ko
Kahit sabi nila ay malabo ka nang makamit pa sinta ngunit laging ikaw

Marami mang nagsabi sakin na hindi kita, maaring makamit, masakit sakin sinta
Ngunit dapat kong malaman na lahat ay may hangganan, mga luha sa mata ay dahan-dahan na tatahan

Pagka't mabigo man, kahit mahirap talikuran, susubukang kalimutan

Pero kahit na ganon sa mahabang panahon mula noon hanggang ngayon bawat pagkakataon makalipas ang mga taon ay laging ikaw

La-la-laging ikaw nais na matanaw, at tanging sigaw nitong puso ko
Kahit sabi nila ay malabo ka nang makamit pa sinta ngunit laging ikaw

La-la-laging ikaw nais na matanaw, at tanging sigaw nitong puso ko
Kahit sabi nila ay malabo ka nang makamit pa sinta ngunit laging ikaw

La-la-laging ikaw nais na matanaw, at tanging sigaw nitong puso ko
Kahit sabi nila ay malabo ka nang makamit pa sinta ngunit laging ikaw

La-la-laging ikaw nais na matanaw, at tanging sigaw nitong puso ko
Kahit sabi nila ay malabo ka nang makamit pa sinta ngunit laging ikaw

Written by:
Jayson Lopez

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find