Time Space Warp - Hanggang Kailan

Tumitingin sa paligid
Aking mata'y nagmamasid
Ika'y hinahanap, di mo alam
Nagtatanong kung ikaw ay nandiyan

Di mo lang alam ang hirap ko
Matagal na akong nagkakaganito
Lagi na lang naghihintay sayo
Sana naman ay malaman mo

Ilang taon, ilang buwan
Ilang araw, hanggang kailan
Ako maghihintay sayo
Naiinip na yata ako
Hanggang Kailan magtitiis
Ang puso kong naiinis
Kung kailan ka makakasama
Sana naman ay malapit na

Kapag ako'y nag-iisa
Iniisip na kapiling kita
Sa bawat oras na kasama
At kayakap ka sa tuwina
Sana ay naririnig mo
Ang awitin kong ito para sayo
Saan ka man naroroon
Bigyan mo naman ng pagkakataon

Ilang taon, ilang buwan
Ilang araw, hanggang kailan
Ako maghihintay sayo
Naiinip na yata ako
Hanggang Kailan magtitiis
Ang puso kong naiinis
Kung kailan ka makakasama
Sana naman ay malapit na

Written by:
Joseph Vincent Avorque, Niño Pantoja

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

Time Space Warp

View Profile
Hanggang Kailan - Single Hanggang Kailan - Single