Cup of Joe - Bukod-Tangi
Pagmulat ng iyong mga mata
Ang 'yong isipan pa rin ay nasa tala
Binubulungan ng araw
Bangon na bangon na
Muling nakita
Liwanag mong kakaiba
Lahat ng bigat ng kahapon ay
Nawala nawala
Kung ikaw ay nangangamba
Dahil 'di ka katulad nila
'Wag matakot tumaliwas ipakita kung sino ka
Kung sino ka
Nag-iisa ka wala nang iba
Lunurin mo ako sa iyong piling
Oh pwede bang dinggin aking hiling
Nag-iisa ka wala nang iba
Sa iyong tahimik na tingin
Nadarama lahat ng damdamin
Nag-iisa ka
Sa kislap ng iyong mga mata
Tanaw ko ang pag-asa mong nanghihina
Punasan ang mga luha
Tahan na tahan na
Kung ikaw ay nangangamba
Dahil 'di ka katulad nila
'Wag matakot tumaliwas ipakita kung sino ka
Kung sino ka
Nag-iisa ka wala nang iba
Lunurin mo ako sa iyong piling
Oh pwede bang dinggin aking hiling
Nag-iisa ka wala nang iba
Sa iyong tahimik na tingin
Nadarama lahat ng damdamin
Nag-iisa ka oh oh oh oh
Nag-iisa ka wala nang iba
Lunurin mo ako sa iyong piling
Oh pwede bang dinggin aking hiling
Nag-iisa ka wala nang iba
Sa iyong tahimik na tingin
Nadarama lahat ng damdamin
Nag-iisa ka
Oh oh oh oh (nag-iisa ka)
Oh oh oh oh (nag-iisa ka)
Oh oh oh oh oh oh
Wala nang iba nag-iisa ka oh
Written by:
Publisher:
Lyrics © Sentric Music
Lyrics powered by Lyric Find