Infinite Ridge - Isang Saglit
Isang saglit
Ngunit walang katapusan
Pag-ibig na naramdaman
Para sa iyo
At sinabi mo
Mahal na mahal mo rin ako
At walang makakapigil kahit
Magunaw ang mundo
Ngunit ba't biglang naglaho
Ang tadhana nga ba'y
Sadyang mapagbiro
Nasaan na
Ang mainit mong halik
Mga yakap mo'ng kay higpit
Pinapadama sa aki'y langit
Hindi na nga
Muli pa'ng babalik
Ang buhay na lagi sa aki'y
Nagbibigay ng kulay't giliw
Tandang-tanda ko pa
Ang araw na iyon
Punung-puno ng tawanan
Oh kay sarap balikan
Pero sa isang iglap
Bigla na lamang nawala
Parang isang papel na inanod ng baha
Nasaan na
Ang mainit mong halik
Mga yakap mo'ng kay higpit
Pinapadama sa aki'y langit
Hindi na nga
Muli pa'ng babalik
Ang buhay na lagi sa aki'y
Nagbibigay ng giliw
Paano nga ba makakapagsimula
Kung lahat dito ay punong-puno ng iyong mga alaala
Mahal kita
Sana'y iyong nadama
Pagmamahal na wagas
Hinding-hindi magwawakas
Nasaan na
Ang mainit mong halik
Mga yakap mo'ng kay higpit
Pinapadama sa aki'y langit
Hindi na nga
Muli pa'ng babalik
Ang buhay na lagi sa aki'y
Nagbibigay ng giliw
Written by:
Jamie-Ann Chloe Digon, Joshua Emmanuel Digon
Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid
Lyrics powered by Lyric Find