Infinite Ridge - Ilaw
T'wing gabi pag pumipikit
Anyo mo ang panaginip
Tila gustong umakay
Sa puso kong nalulumbay
Lumalaban nang mag-isa
Minsan parang susuko na
Pero sa sinag mo
Lumalakas ang aking puso
Ilaw
Hilumin ang panglaw
Haharapin ang maging ano man
Di patitinag kailanman
Ilaw
Basta't andyan ka kaya ko
Lahat ng hirap sa mundo
Babangon at babangon ako
Dahil nakita na kita
Lahat ay aking makakaya
At kung sakaling madapa
Di dapat Mag-alala
Kahit gabi'y dumidilim
Salamat nandyan ka pa rin
Dahil sa sinag mo
Lumalakas ang aking puso
Ilaw
Hilumin ang panglaw
Haharapin ang maging ano man
Di patitinag kailanman
Ilaw
Basta't andyan ka kaya ko
Lahat ng hirap sa mundo
Babangon at babangon ako
Kapit lang ganyan ang buhay
May ilaw na kadamay
Patuloy lang lumaban
Basta't laging iisipin
May ilaw na magniningning
Ilaw
Hilumin ang panglaw
Haharapin ang maging ano man
Di patitinag kailanman
Ilaw
Basta't andyan ka kaya ko
Lahat ng hirap sa mundo
Babangon at babangon ako
Written by:
Manuel Justin Digon
Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid
Lyrics powered by Lyric Find