Cup of Joe - Sinderela

Unti-unti nang napapagod sa aking puso'y humahagod
Sa paghintay hanggang sa dulo ako'y nalulunod
Hindi inaasahang oras huminto na ang paglipas
Sa lugar na walang ala-ala nabigyan ng halaga

Ika'y aking nakita 'kala ko namalikmata
Sa wakas nahanap ko hinahangad ng aking puso
Ito na ang segundo 'di ko na palilipasin
Pilit na hahabulin

Wala nang hininga ako'y nanghihina
Pero 'di alintana
Oh kahit ako'y matapilok tuloy parin ang pagtibok
Ng puso ko sinisigaw pangalan mo
Huminto na at 'wag lalayo oh
Malapit nang mapatingin ika'y mapapasakin din

Tulak ng bibig kabig ng dibdib
Ikaw ang tanging nasa isip
Sa panaginip na malabo hindi nanghihinto

Ika'y muling nakita at ngayon alam ko na
Ikaw ang laman alam at aalamin ng aking puso
Pawala na ang segundo isip ay gulong-gulo
Tuloy ang pagtakbo

Wala nang hininga ako'y nanghihina
Pero 'di alintana
Oh kahit ako'y matapilok tuloy parin ang pagtibok
Ng puso ko sinisigaw pangalan mo
Huminto na at 'wag lalayo oh oh oh
Malapit nang mapatingin ika'y mapapasakin din

Wala nang hininga ako'y nanghihina
Pero 'di alintana
Oh kahit ako'y matapilok tuloy parin ang pagtibok
Ng puso ko sinisigaw pangalan mo
Huminto na at 'wag lalayo oh oh oh
Malapit nang mapatingin ika'y mapapasakin nga

Ako'y nanghihina pero 'di alintana
Oh kahit ako'y matapilok tuloy parin ang pagtibok
Ng puso ko sinisigaw pangalan mo
Huminto na at 'wag lalayo oh oh oh
Malapit nang mapatingin ika'y mapapasakin din

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Cup of Joe

Cup of Joe

View Profile