Alyssa - Lahat
Gabi-gabing humihiling sa pagdating ng mga bituin
Na 'king makapiling ang himbing sa iyong tabi
Tatakbuhin kung kailangan man nating lakbayin mga araw ng pag-iisa't lamig
Makauwi lang muli sa iyong bisig
Ikaw ang init sa magdamag na ginaw ang minsang ligaw sa dagat ng bughaw
Ang malambing na yakap ng dilim at ang liwanag sa aking takipsilim
Ikaw ikaw ikaw ang lahat
Damang-dama ang payapang dala ng 'yong pagsama
Ang ginhawa ng pusong 'di nag-iisa kahit minsan noon ay nagsara
Ikaw ang hila sa bawat tulak nila ang pangangambang ayaw kong mawala
Ikaw ang hantungan ko sa aking bawat galaw at bahagi ng aking balang araw
Ikaw ikaw ikaw ang lahat
Sumobra man ang kulang sa iyo pa rin ilalaan ang bawat puwang
Dahil mahal ikaw ikaw ang lahat mahal ikaw ikaw ang lahat
Written by:
Publisher:
Lyrics © Sentric Music
Lyrics powered by Lyric Find