Healy After Dark - ikaw

Pwede ka bang huminahon
At pakinggan ang iyong puso
Pag magkasama na tayo
Di na kailangan matakot
Sa kalawakan tayo magsasayaw
Malayo sa mundong kay gulo
Sa lugar kung san walang ibang mahalaga
Kundi ikaw at ako
Kung di pa ikaw, eh sino pa ba
Kung di man ikaw, walang gustong iba
Basta alam ko mahalaga ka
At sa buhay ko, ika'y magpahinga
Hindi ka ba sigurado
Sa nararamdaman mo
Wag na masyadong mag-alala
Damhin lang ang damdamin mo
Wag munang alalahanin ang ibang bagay
Na di masyadong importante
Hayaan na lang dumaloy ang pagsuyo
Lilinaw din sa tamang oras
Kung di pa ikaw, eh sino pa ba
Kung di man ikaw, walang gustong iba
Basta alam ko mahalaga ka
At sa buhay ko, ika'y magpahinga
Hindi ko rin alam kung nasisilayan nga ba ang dulo
Basta ibuhos nalang ang lahat ng pagmamahal ngayon ohh
Hindi ko kayang huminahon
Pag naririnig ang iyong puso
At magkadikit ang mga labi
Ay humihinto ang mundo sandali
Kung di pa ikaw, eh sino pa ba
Kung di man ikaw, walang gustong iba
Basta alam ko mahalaga ka
At sa buhay ko, ika'y magpahinga

Written by:
Oyo Mico Velasco

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

Healy After Dark

Healy After Dark

View Profile
Ikaw - Single Ikaw - Single