Room for Cielo - Di Malamang Dahilan

Simula pa lang nung naging tayo
Panay sablay na ang diskarte ko
Sa bawat atras ko, abante pala ang gusto mo
Hanggang sa habulan nauwi ang kwento

Daig pa'ng aso't pusa pag may hidwaan
Sa mga dahilan na wala namang kabuluhan
Pero kahit magulo, 'di ka sumibat o lumayo
At dinadaan lang ang lahat sa tawanan

Palagi sa'king tanong ay paano
Hindi nawawala o nagbabago
Di ko rin alam

Oh o bakit nga ba, 'di ka
Nauumay sa tulad ko?
Oh at nandito pa, binibigyang
Kulay ang mundo
Oh sa di malamang dahilan

Lahat sila sa iyo'y nanghihinayang
Pa'no ba naman, sa'kin oras mo raw ay sinasayang
Kahit pa kumokontra sila, sa'yo ako lagi ang bida
Ni minsan di naman kita ginayuma

Oh, o bakit nga ba, 'di ka
Nauumay sa tulad ko?
Oh at nandito pa, binibigyang
kulay ang mundo
Oh sa di malamang dahilan

Ilang beses nang nagka-labuan
Pero ni minsan hindi ka nang-iwan
Oh
Palagi sa'king tanong ay paano
Hindi nawawala o nagbabago
Di ko rin alam

Oh o bakit nga ba, 'di ka
Nauumay sa tulad ko?
Oh at nandito pa, binibigyang
Kulay ang mundo
Oh sa 'di malamang dahilan

Oh 'di ka nauumay sakin at nagsasawa
Oh binibigyang kulay aking bawat umaga
Sa di malamang dahilan
Sa tulad ko ikaw ang nilaan
Sa di malamang dahilan

Written by:
JAN DARYL CIELO

Publisher:
Lyrics © Sentric Music, Songtrust Ave

Lyrics powered by Lyric Find

Room for Cielo

Room for Cielo

View Profile
Di Malamang Dahilan - Single Di Malamang Dahilan - Single