Joanna Ampil - Init Sa Magdamag

Kung gabi ang dilim ay laganap na
At mata ng daigdig ay nabulag na
Sa harap ng aking waring kawalan
Init mo ang aking nararamdaman
Parang apoy ang init mo sa magdamag

Saan man naroon ay mayroong halik
Pagdampi sa iyo ay magdirikit
Sumisigaw ang aking bawat sandali
Nadamang pag-ibig mo na kay sidhi
Parang apoy ang init mo sa magdamag

Kung langit sa akin ay ipagkait
Dito sa init mo'y muling makakamit
Walang hanggang pag-ibig
Na may luha at tamis
Nasan ka pagsaluha natin
Ang init sa magdamag

Saan man naroon ay mayroong halik
Pagdampi sa iyo ay magdirikit
Sumisigaw ang aking bawat sandali
Nadama pag-ibig mo na kay sidhi
Parang apoy ang init mo sa magdamag

Kung langit sa akin ay ipagkait
Dito sa init mo'y muling makakamit
Walang hanggang pag-ibig
Na may luha at tamis
Nasan ka pagsaluhan natin
Ang init sa magdamag

Kung langit sa akin ay ipagkait
Dito sa init mo'y muling makakamit
Walang hanggang pag-ibig
Na may luha at tamis
Nasan ka pagsaluhan natin
Ang init sa magdamag

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Joanna Ampil

Joanna Ampil

View Profile