Combo No. 4 - Di Na Bago
Nalilibang sa mga dumadaan
Pakiramdam ay biglang gumagaan
Mata'y naluluha sa katatawanan
Lupa'y magiging langit panandalian
Kausap ang sahig pati ang dingding
Habang ang lahat ay nahihimbing
Hawak kong papel ay susunugin
Bago sumikat ang araw dumidilim
Huwag kang magalala kung nahihirapan ka
Lahat nakakaranas, hindi nakakatakas
Sa una'y maninibago, pare di na bago
Sa kulit ng panahon, ikaw ay matututo
Nahihibang sa nakaraan
Panay sumbat at binabalikan
Kesyo ganto, kesyo ganyan
Bago makaalis may kailangang maiwan
Huwag kang magalala kung nahihirapan ka
Lahat nakakaranas, hindi nakakatakas
Sa una'y maninibago, pare di na bago
Sa kulit ng panahon, ikaw ay matututo
Palayain ang sarili
Huwag puro pagsisisi
Lahat ng tao'y nadadapa
Lahat ng tao'y tumatanda
Lahat tayo'y nawawala
Huwag kang magalala kung nahihirapan ka
Lahat nakakaranas, hindi nakakatakas
Sa una'y maninibago, pare di na bago
Sa kulit ng panahon, ikaw ay matututo
Huwag kang magalala kung nahihirapan ka
Lahat nakakaranas, hindi nakakatakas
Sa una'y maninibago, pare di na bago
Sa kulit ng panahon, ikaw ay matututo
Huwag kang magalala kung nahihirapan ka
Lahat nakakaranas, hindi nakakatakas
Sa una'y maninibago, pare di na bago
Sa kulit ng panahon, tangina nakakagago
Written by:
John Gabriel
Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid
Lyrics powered by Lyric Find