L e s s O n e - Vladislava
Sinulat ko ang kabanatang ito
Na nagsimula sa mga ngiti mo
Umpisa'y maligayang kwento
Natapos sa mga bigong pangako
Magpatangay lang sa daluyong ng ligaya
Ikaw ang dulo sa lahat ng ating simula
Paru-paro sa 'king sikmura
Lilipa't dadapo rin sa dulong pahina
Pinunit ko ang mga lihim mo
Sila ang dilim sa kalawakan ko
Ligaya mo ang siyang sumulat
Sa buhay ko na tila ba'y isang komedya
Magpatangay lang sa daluyong ng ligaya
Ikaw ang dulo sa lahat ng ating simula
Paru-paro sa 'king sikmura
Lilipa't dadapo rin sa dulong pahina
Ito na ang huling kabanata
Nobela na puro pangarap
Sa huling taludtod ika'y nagpaalam
Sa bida ng ibang nobela ika'y sumama
Magpatangay lang sa daluyong ng ligaya
Ikaw ang dulo sa lahat ng ating simula
Paru-paro sa 'king sikmura
Lilipa't dadapo rin sa dulong pahina
Written by:
Elmo Canonio
Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid
Lyrics powered by Lyric Find