Chud Festejo - Nanay Tatay
Nanay tatay gusto kong tinapay
Ate kuya gusto kong kape
Lahat ng gusto ko ay susundin n'yo
Ang magkamali ay pipingutin ko
Isa
Isa dalawa
Isa dalawa tatlo
Isa
Isa dalawa
Isa dalawa tatlo
Pagmulat ay gising na sa mundo
Minsan bata matanda o sasakyan ang kalaro
Habulan sa lansangan nakikipatintero
Na mahingan ang dumaan na estranghero
Ayaw niyang pumasok wala siya sa eskwela
Nang matutunang magbilang na ng barya
Tatlo dalawa isa kayo po'y maawa na
Bilhin nyo na itong nilalako kong sampaguita
Nanay tatay pengeng pangtinapay
Ate kuya pengeng pangkape
Lahat ng gusto n'yo susundin ko (susundin ko)
Sa mumunting barya ay may pangkain na ako
Isa (hu)
Isa dalawa (hu)
Isa dalawa tatlo (hu)
Isa (hu)
Isa dalawa (hu)
Isa dalawa tatlo (hu)
Punta ka d'on punta ka dito
May maghihintay sa 'yo (ha)
Iaabot nila ang pakete na dala
Itago 'wag ipapakita (ha)
Habulan sa lansangan sabay ay mga dayo
Pilit tatakasan ang patrol at mga tanod
Isa dalawa tatlo apat lima anim pito
Pagbilang ng sampo ay nakatago na kayo
Nanay tatay pengeng pangtinapay
Ate kuya pengeng pangkape
Lahat ng gusto n'yo sinunod ko (sinunod ko)
Minsa'y nagkamali't bilang na'ng mga araw ko
Isa
Isa dalawa
Isa dalawa tatlo
Isa
Isa dalawa
Isa dalawa tatlo
Dati'y tumbang preso ngayon ay batang preso
Ngayo'y itutumba ang ulo'y mura lang ang presyo
Ito magkano ba itanong n'yo sa ina
Ang bata ay walang magagawa
Hiey hiey hiey hiey
Nanay tatay pengeng pangtinapay
Ate kuya pengeng pangkape
Lahat ng gusto n'yo susundin ko
Sa mumunting barya ay may pangkain na ako
Nanay tatay pengeng pangtinapay
Ate kuya pengeng pangkape
Lahat ng gusto n'yo sinunod ko
Menor de edad bilang na'ng mga araw ko
Isa
Isa dalawa
Isa dalawa tatlo
Isa
Isa dalawa
Isa dalawa tatlo
Written by:
Publisher:
Lyrics © Sentric Music
Lyrics powered by Lyric Find