Mari Mar Tua Official - Handog Ngayong Pasko
Dahil sa inyo ako'y natutong mangarap
Dahil dito ako ay nagsumikap
At unti unting naabot ang mga mithiin ko
Mga mahal sa buhay ko'y nagalak
Sa inyo ko rin natutunan ang buhay kay hiwaga
Ang tao lahat ay pantay pantay
Walang mahirap at wala ring mayaman
Sa diyos inilapit ang puso ko nang tapat
Mayroon lang akong hinihiling
Sana'y tanggapin ang tanging handog ko
Sa inyo ngayong Pasko
Isang maligayang Pasko sa inyong Lahat
Ako'y labis na nagpapasalamat
Dahil hanggang sa araw na ito'y kapiling pa rin kayo
Maligayang maligaya maligayang Pasko
Init at ang lamig ay hindi ko alintana
Ang takot at pangambay aking binalewala
Ngayong patuloy na naging matuwid ang buhay ko
Aking damang dama ang tunay kong pagmamahal
Mayroon lang akong hinihiling
Sana'y tanggapin ang tanging handog ko
Sa inyo ngayong Pasko
Isang maligayang pasko sa inyong Lahat
Ako'y labis na nagpapasalamat
Dahil hanggang sa araw na ito'y kapiling pa rin kayo
Maligayang maligaya maligayang pasko
At kung dumating ang araw tayo ay magkahiwalay
Asahang hindi ko kayo makakalimutan
Isang maligayang pasko sa inyong lahat
Ako'y labis na nagpapasalamat
Dahil hanggang sa araw na ito'y kapiling pa rin kayo
Maligayang maligaya maligayang pasko
Maligayang maligaya maligayang pasko
Written by:
Randall Mangulabnan
Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid
Lyrics powered by Lyric Find