Martin Riggs - Damaso

So para 'to sa lahat ng mga tao na ah pa'no ba
Para 'to sa lahat ng mga tao na nahusgahan dahil
Mayro'n silang tattoo umiinom nagyoyosi
'Tsaka para sa lahat ng mga tao na

Mabait na sila 'pag nagsisimba sila tuwing linggo
Sa 'kin lang naman ah 'di mo ikinasama
Kung naninigarilyo ka umiinom ka nagyoyosi ka
'Di mo rin 'kinabait kung nagsisimba ka tuwing linggo

So para sa lahat ng mga nahusgahan pasensiya na kayo
Para sa lahat ng mga nanghuhusga at nagpapanggap putang ina n'yo
Amen amen
Amen amen ang Pilipinas

Amen amen magbanal-banalan pa
Ano'ng natutunan n'yo sa linggo-linggo n'yong pagsisimba
Kinabisadong mga talata bakit mo niyayabang sa madla
Na ika'y nagdarasal sana ipagdasal mo ang iyong asal

Wala sa bibliya ang purgatoryo sabi ni Jose Rizal
Maraming may tattoo't umiinom nagpapausok
Pero 'di nagpapanggap katulad mo
Maliwanag ang mensahe 'di ka minamasahe

Huwag ka masyadong komportable
Pare-parehas ang rehas natin pare
Damang-dama sobra ka na
Huwag na kayo magbanal-banalan pa

Mahirap ang bansa pero may magandang kapilya
'Pag 'di kasali sa labas may pila pero kay tamis ng dila
'Di nagbabayad ng buwis pero nagbubuwis ng buhay ng iba
Mabait para magpadala sa langit

Maraming may tattoo't umiinom nagpapausok
Pero 'di nagpapanggap katulad mo
Maliwanag ang mensahe 'di ka minamasahe
Huwag ka masyadong komportable

Pare-parehas ang rehas natin pare
Damang-dama sobra ka na
Huwag na kayo magbanal-banalan pa
Sa kalsada nagkalat tintang pulang 'pinangsulat ko sa kanta

Sabi ni Magalona walang payapa kung baril ay ginagamit pa
Tayo'y tunay bang malaya kung dagat natin inangkin ng iba
Diyos umiiyak sa langit si kamatayan tumatawa sa mga mangmang
Maraming may tattoo't umiinom nagpapausok

Maraming may tattoo't umiinom nagpapausok
Pero 'di nagpapanggap katulad mo
Maliwanag ang mensahe 'di ka minamasahe
Huwag ka masyadong komportable

Pare-parehas ang rehas natin pare
Damang-dama sobra ka na
Huwag na kayo magbanal-banalan pa (amen amen)
Magbanal-banalan pa (amen amen ang Pilipinas)

Magbanal-banalan pa (amen amen)
Magbanal-banalan pa
Huwag na kayo magbanal-banalan pa

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Martin Riggs

View Profile