CLR - Press Play

Kuha kita kaya ako ay didistansya na
Sobrang dami na di ko alam kung ako'y magkakasya pa
Sanay tong mag-isa, kaya si Ann ay di na nagtataka
At pag kasama sya'y nagiging isa ang mundo naming dalawa
Tanging pantasya nya, ang makita ng karamihan na ako ay naiiba.
"Hayaan mo sila" -kah ko
Di para sa lahat ang mga likha ko
Pero pag nakita ng mga gago ang pagmumukha ko hinihingi aking litrato
Wala ng oras magreklamo
Buti may uma-akap sa aking pag-uwi, parang Imago
Kahit madalas nasasabihan na suplado
Ngingiti parin sa pitik nyo
Pasensya na kung di masyadong kwela gaya ni Sinio
Pero di mo makikitang galit to sa bidyo
Kinamulatang lugar ay parang "Skid Row"
Bata pa lamang nalaman kong buhay ko'y hindi pang "kid's show"

Pano mo nasabing ako ay maswerte?
Baon ko sa kolehiyo ay laging bente
Nakakain lang ng masarap tuwing disyembre
Ngayo'y parang Jalen kinukubra ay berde (swoosh...)
Walang pinag kaiba ang tsamba sa swerte
Noon pa ma'y di na ako dyan nakadepende
Aking taktika sa buhay ay parang chess pre
At kung ayaw mong maniwala sa akin, sige ito, Press Play

Yeah!
Sya nga pala ako ang nagmamay-ari nito
Makinig ka lang at makukuha mo rin sa akin ang sekreto
Makikita mo ang blueprint kahit nakapikit ka pa, kah ko
Sa kalayaan ito padako
IQ sa laro parang si 23
Mga gawa ko'y hot & spicy parang Tunechi
Di na kailangang mangulekta pa ng pussy
Pihikan kahit katumbas nito ay gucci
Sa halip sinibak ang biyaya, kailangang sagarin
Dami ko ng mali sa buhay buti nagkatama rin
Lasap ko ang tamis ng pagod, yoko ng tamarin(d)
Naglakad, nagpedikab, at nag-jeepjop, nakarating
Pakitaasan yung adbans ko dahil buffet to at hindi to desert
Presyong panghimagas sa ALBUM? di ko yan deserve
Inobserbahan ko lang ang laro kahit busy sa merch
"theartistco." Subukang i-search
Kung sasabihin arogante ako, pwes, opinyon mo yan
Kung di mo gusto mga nakikita mo, pumikit ka nalang
Magdisconnect ka sa net, o kaya itulog mo na yan
Magbilang ka ng tupa tutal ganun ka naman
Habang ako: nag-igib, nagdilig, tinikom ang bibig
Dumistansya sa SOCMED
Sa anihan ang kitaan, kapatid
Pinunlaan ang talento, binuhusan di nagtipid, kaya

Pano mo nasabing ako ay maswerte?
Baon ko sa kolehiyo ay laging bente
Nakakkain lang ng masarap tuwing disyembre
Ngayo'y parang si Jalen kinukubra ay berde (swoosh...)
Walang pinag kaiba ang tsamba sa swerte
Noon pa ma'y di na ako dyan nakadepende
Aking taktika sa buhay ay parang chess pre
At kung ayaw mong maniwala sa akin, sige ito, Press Play

Written by:

Publisher:
Lyrics © TUNECORE INC, TuneCore Inc.

Lyrics powered by Lyric Find