Imelda Papin - Bawal

Tulad mo ay bituin sa tingin kay lapit
Ngunit kung abutin sinlayo ng langit
Tulad ko ay langis na sa tubig mo'y duming kay pangit
Bakit nga ba sa buhay ko ikaw ay sumapit

Bawal kang mahalin ng isang tulad ko
Bawal kang tumuntong sa api kong mundo
Kahit sa isip lang bawal sa akin ang sayo'y magmahal
Puso ko'y di malaya bilanggo at bawal

Bawal sa akin ang iyong tingin ang iyong ngiti ang iyong pansin
Bawal din ang mga bituin ng 'yong matang may luningning
Ang mahipo ang iyong kamay ay langit na ang kapantay
Guni-guni nangangatal isipin lang na ito'y bawal

Kung di mo hangad ang ako'y magkasala
Ibaling ang tingin sa puso ng iba
Sige na sige na umalis ka na bago mo mapansin
Na ikaw ang sya'ng tanging mahal sa akin

Bawal sa akin ang iyong tingin ang iyong ngiti ang iyong pansin
Bawal din ang mga bituin ng 'yong matang may luningning
Ang mahipo ang iyong kamay ay langit na ang kapantay
Guni-guni nangangatal isipin lang na ito'y bawal

Bawal sa akin ang iyong tingin ang iyong ngiti ang iyong pansin
Bawal din ang mga bituin ng 'yong matang may luningning
Ang mahipo ang iyong kamay ay langit na ang kapantay
Guni-guni nangangatal isipin lang na ito'y bawal

Written by:

Publisher:
Lyrics © CREATCHTUNES MUSIC

Lyrics powered by Lyric Find