Acapellago - Kariton
Da da oh (oh)
Da da (oh)
Tinulak niyang muli sinimulan ang maglakad (oh)
Bitbit ang mga sakali kung san man ipadpad (do)
Ng baskagang kahoy may tagping mga kawayan (oh)
Pira-pirasong yero kinabit sa tatangnan (oh)
Gulong na binalot ng hinating mga goma (ta dong)
Na kahapon lamang ay sapin ng kanyang paa (ta dong ho)
Sa loob ay naroon
Ang mag-inang nagugutom
Sa mga dinadaing nila
Bibig niya ay nakatikom
Ngunit
Patuloy ang ikot sa mundong malikot
Ang buhay kariton ni manong
Patuloy ang sulong ng gulong na maalog
Ang buhay kariton ni manong
Huwag sanang malubak huwag sanang masilat
Ang buhay kariton ni manong
Baka mahulog baka malubog
Ang buhay kariton ni manong oh
Tinulak nang muli tuloy ang paglakad
Bitbit ang mga baka may makuha't may mapala
Sa basurang kinakalkal hanap ay pangalakal
Kapalit ay kaunting barya pangkain ng mag-ina
Baryang binalot sa madungis na supot
Pambili ng pagkain nila sa maghapon
Sa loob ay naroon (oh)
Ang mag-inang nakangiti (oh)
Sa mga halik at yakap nila (ah)
Lungkot niya ay napapawi (ah)
Oh
Patuloy ang ikot sa mundong malikot
Ang buhay kariton ni manong
Patuloy ang sulong ng gulong na maalog
Ang buha kariton ni manong
Huwag sanang malubak huwag sanang masilat (oh)
Ang buhay kariton ni manong
Baka mahulog baka malubog (oh)
Ang buhay kariton ni manong
Patuloy ang ikot sa mundong malikot
Ang buhay kariton ni manong
Patuloy ang sulong ng gulong na maalog
Ang buhay kariton ni manong
Huwag sanang malubak huwag sanang masilat (patuloy ang ikot)
Ang buhay kariton ni manong
Baka mahulog baka malubog (oh)
Ang buhay kariton ni manong oh
Tinulak niyang muli sinimulan ang maglakad
Bitbit ang baka sakali kung saan man ipadpad
Written by:
PHILIP JARILLA
Publisher:
Lyrics © Sentric Music
Lyrics powered by Lyric Find