Leanne & Naara - Korde Kodigo
Simple lang naman ang alam ko
Dalawang korde o 'di kaya'y tatlo
Basta't ang lahat ng 'to'y ginagawa ko
Tulo-pawis nang mapansin mo
Pipilitin kong matuto
Makagawa lang ng kanta para sa'yo
Pabalik-balik paulit-ulit man takbo ng mga bara ko
Kaharap ko man parati'y korde kodigo
Dadahan-dahanin kong dagdagan
Nang sa gayo'y marinig mo lang 'to'y pinaghihirapan
Basta't alam ko ikaw ang para sa akin
Gagawin lahat hanggang ikaw ay maabot din
Hindi lang isang korde ang para sa iyo
Aba mayro'n pa para sa maliligayang araw mo
At ito pa 'pag malungkot gabi mo
Hahanap-hanapin ko ang saktong korde para sa iyo
Ito ba ito ba ito ba
Sa banda tayo'y magkasama
Back up mo lang ako gamit ko'y tamburin pa
Ka-duet mo pa parati ang kasama kong si Marie
'Di hamak mas magaling ako do'n
Pinili mo lang dahil siya'y cutie
Mga mata mo'y dinadaanan ako
'Di ko nga alam till now ako ba'y existing sa 'yo
Pa-simpleng piano't pakanta-kanta na nga sa tabi
Nangangarap na sa boses ko ang puso mo'y matali
Dadahan-dahanin kong dagdagan
Nang sa gayo'y marinig mo lang 'to'y pinaghihirapan
Basta't alam ko ikaw ang para sa akin
Gagawin lahat hanggang ikaw ay maabot din
Hindi lang isang korde ang para sa iyo
Aba meron pa para sa maliligayang araw mo
At ito pa 'pag malungkot gabi mo
Hahanap-hanapin ko ang saktong korde para sa iyo
Ito ba ito ba ito ba
Ito ba ito ba ito ba
Ito ba ito ba ito ba
Ito ba ito ba ito ba
Dumami na nga'ng korde ang alam ko
'Di ko na nga kailangan ng kodigo
Na-develop na nga yata talent sa pagpi-piano
Ngunit hanggang ngayon hindi pa rin pansin
Ako'y inlove sa 'yo
Kailan ba kailan ba kailan ba
Written by:
JEREMY SARMIENTO
Publisher:
Lyrics © Sentric Music
Lyrics powered by Lyric Find