Nar Cabico - LDR (Layong 'Di Ramdam)

Sarado na'ng maleta mo
Nandyan na ang iyong sundo
Teka tingnan mo muna
Baka meron pang naiwan
Ewan ko kahit ano
Dito ka lang sa tabi ko

Hayaan mong hagkan kita
May luha pang natitira
Dahil hindi masanay
Ang puso kong mawalay
Sa iyo mahal ko
Dito ka lang sa tabi ko

Dahil doon walang mga halik
Iba ang tawa't hagikhik
Tuwing tayong dalawa'y
Gumigising nang sabay
Ngayong tayo'y magkalayo
Pag-ibig 'di magbabago
Maghihintay hanggang ang oras mo ay oras ko hm (ah)

At kung sakaling malungkot
Nag-iisa't natatakot
Kunin mo ang 'yong kumot
Bawat hibla't gusot
Ay haplos ko sa'yo
Habang wala ako

Dahil doon walang mga halik
Iba ang tawa't hagikhik
Tuwing tayong dalawa'y
Gumigising nang sabay
Ngayong tayo'y magkalayo
Pag-ibig 'di magbabago
Maghihintay hanggang ang oras mo ay oras ko

Sa bawat pagsikat ng araw
Ay nawawala lahat ng ating alinlangan
Ang pagmamahal ko'y 'di mababawasan
'Pagkat ang layo
'Pagkat ang layo'y 'di ramdam

Kahit doon walang mga halik
Iba ang tawa't hagikhik
Tuwing tayong dalawa'y
Gumigising nang sabay
Ngayong tayo'y magkalayo
Pag-ibig 'di magbabago
Maghihintay hanggang ang oras mo

Ay oras ko (ha)

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Nar Cabico

View Profile