Ex Battalion - Makakabawi Rin

Sa pag-unawang binigay at sa pag-intindi mo
'Di ko na kailangan ng kung ano-ano
Basta't ikaw palagi nand'yan 'wag ka ng mawawala
Hayaan mong makakabawi ako

Alam kong marami ka ng tiniis para sa akin
Mga paratang nila na halos wasakin
Ang tiwala mo sa akin nagawa mong patawarin
Salamat sapagkat nakuha mo na palawakin ang pang-unawa mo
Kaya naman ngayon kapiling na kita
Sabihin man nila ako man ay alipin mo na nga
Pasensya na kung dati utak mo ay nalason nila
Ang mahalaga ngayon sa'yo ako at sa'kin ka na nga

Hayaan mo makakabawi na ako sa'yo at ng mapatunayan ko sa'yo
Ikaw lang at walang iba
At kung gaano kita kamahal kahit na nagkamali ako noon kaya nagalit ka
Pero napatawad mo ako sa kabila ng mga kasalanan ko sa'yo
Kahit na marami ang gumagatong sa'yo nalinawagan ang isip mo
Ngayon ako sa'yo ay babawi na

Maraming salamat sa lahat ng kabutihan mo (kabutihan mo)
Sa pag-unawang binigay at sa pag-intindi mo (pag-intindi mo)
'Di ko na kailangan ng kung ano-ano basta't ikaw palagi nand'yan
'Wag ka ng mawawala
Hayaan mong makakabawi ako

Hayaan mo na makabawi sa mga pagkakamali na nagawa sa'yo (nagawa sa'yo)
Oh hayaan mo ako'y babawi na (babawi na)
'Di ka na muli pang iiyak (iiyak)
Asahan mo ang puso mo ay hindi mabibiyak
Ano man ang dumaan sa atin ay palagi lang nandiyan
Ano man ang nagawa ko sa'yo ay nanatili ka lang

Kaya wala ng iba pang mahihiling
Kahit papiliin ako ay ikaw pa rin (ikaw pa rin)
'Wag ka lang mawawala 'yan ang tanging dasal ko sa buong maykapal
Ganyan ka kamahal
Tumagal man ang panahon
Mananatili pa rin na ganun (mananatili pa rin na ganun)
Hinding-hindi na magbabago (bago)
Ikaw pa rin ang mahal ko

Maraming salamat sa lahat ng kabutihan mo (kabutihan mo)
Sa pag-unawang binigay at sa pag-intindi mo (pag-intindi mo)
'Di ko na kailangan ng kung ano-ano basta't ikaw palagi nand'yan
'Wag ka ng mawawala
Hayaan mong makakabawi ako

Salamat sa'yo
'Pagkat ako'y tinulungan mo
Bumangon sa lahat ng mga pagkakataon
Ako'y nadadapa (nadadapa)
Hinawakan mo't hinila ang aking kamay
Hindi mo hinayaan na ako ay malumbay
Ikaw ang nagbigay ng kasayahan sa'king mga labi
Tinuruan mong tumawa kahit ang tadhanang madilim

Kaya naman ako'y lubos na nagpapasalamat dahil 'di mo binitawan
Kahit minsan nagkasugat ka
Tuloy lang sa paglaban ako sayo ay hanga kaya naman
Ang tanging ganti sa'yo'y salamat at ako sa'yo'y babawi
Asahan mo palagi hindi ko sasayangin ang tiwalang binigay mo sa'kin mas pagtitibayin
Wala akong sasayanging oras para makabawi
Sa'yo ko lalaan ang buong buhay ko

Maraming salamat sa lahat ng kabutihan mo (kabutihan mo)
Sa pag-unawang binigay at sa pag-intindi mo (pag-intindi mo)
'Di ko na kailangan ng kung ano-ano basta't ikaw palagi nand'yan
'Wag ka ng mawawala (ah ah)
Hayaan mong makakabawi ako (yo)

Maraming salamat sa lahat ng kabutihan mo (kabutihan mo)
Sa pag-unawang binigay at sa pag-intindi mo (pag-intindi mo)
'Di ko na kailangan ng kung ano-ano basta't ikaw palagi nand'yan
'Wag ka ng mawawala
Hayaan mong makakabawi rin ako


Written by:
MARK EZEKIEL MAGLASANG

Publisher:
Lyrics © TuneCore Inc.

Lyrics powered by Lyric Find

Ex Battalion

Ex Battalion

View Profile