Trisha Denise - Bati Na Tayo

Bakit ganun?

Ano nga ba'ng nangyari?

Kanina lang nag-aasaran pa kunyari

Bakit ngayon ayaw na nating magkita?

Nakasimangot na't di magkasama

Sino nga ba ang may kasalanan?

Bakit bigla na lang tayong nagsigawan?

Bakit bigla na lang nagtuturuan?

Bakit nauwi na lang tayo sa tampuhan?



Pre-chorus:

Huminga ng malalim

Ayoko ng nagagalit

Wag tayong padalos-dalos lang



Chorus:

Oh, aking mahal

Wala namang masama

Kung nagkatampuhan

Wag nating hayaang matapos ang araw na di tayo nag-uusap

Oh, aking mahal

Wala namang masama

Kung di nagkaintindihan

Basta't gusto ko na malaman mo

Okay na ako

Bati na tayo

Hindi na ko galit



(Bati na tayo)

(Bati na tayo oh)

(Bati na tayo)

(Bati na tayo oh)

(Bati na tayo)

(Bati na tayo oh)

(Bati na tayo)

(Bati na tayo)



Verse 2:

Hindi nga ba ito pwedeng maiwasan?

Mga bagay nating pinagtatalunan?

Bakit hindi na lang natin tanggapin na talagang may pagkakaiba tayong dalawa



Pre-chorus:

Huminga ng malalim

Ayoko ng nagagalit

Wag tayong padalos-dalos lang



Chorus:

Oh, aking mahal

Wala namang masama

Kung nagkatampuhan

Wag nating hayaang matapos ang araw na di tayo nag-uusap

Oh, aking mahal

Wala namang masama

Kung di nagkaintindihan

Basta't gusto ko na malaman mo

Okay na ako

Bati na tayo

Hindi na ko galit

Written by:
Trisha Denise

Publisher:
Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.

Lyrics powered by Lyric Find

Trisha Denise

Trisha Denise

View Profile