Regine Velasquez - Pangarap Na Bituin

Saang sulok ng langit ko matatagpuan
Kapalarang 'di natitikman
Sa pangarap lang namasdan
Isang lingon sa langit at isang ngiting wagas
May talang kikislap gabay patungo sa tamang landas

Unti-unting mararating kalangitan at bituin
Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning
Hawak ngayo'y tibay ng damdamin
Bukas naman sa aking paggising
Kapiling ko'y pangarap na bituin

Ilang sulok ng lupa may kubling nalulumbay
Na nasanay sa isang kahig isang tukang pamumuhay
Isang lingon sa langit nais magbagong-buhay
Sa ating mga palad nakasalalay ang ating bukas

Unti-unting mararating kalangitan at bituin
Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning
Hawak ngayo'y tibay ng damdamin
Bukas naman sa aking paggising
Kapiling ko'y pangarap na bituin oh

Unti-unting mararating kalangitan at bituin
Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning
Hawak ngayo'y tibay ng damdamin
Bukas naman sa aking paggising
Kapiling ko'y pangarap na bituin

Bukas naman sa aking paggising
Kapiling ko'y pangarap na bituin

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Regine Velasquez

Regine Velasquez

View Profile
Regine Silver Series Regine Silver Series