123 Pikit! - Siyang Tunay

Walang iba
Luntiang sinta
Ikaw ang tanging nasang makasama
Kahit pa hadlang sila
Hanggang huling hininga
Ikaw pa rin ang nasang madama
Walang iba
Sinagip mo ko sa pagiisa
Sa pagkalula sa mga problema
Kung di dahil sa'yo siguro di ko kinaya
Ang buhay kong mala-pelikula
Na makulay sa mantsa ng drama
Binalot ng sigla mula ng makilala ka
Di na mahalaga
Ang sasabihin nila
Di na mangangamba
Kase nandyan ka na
Walang iba
Luntiang sinta
Ikaw ang tanging nasang makasama
Kahit pa hadlang sila
Hanggang huling hininga
Ikaw pa rin ang nasang madama
Walang iba
Ano ba talaga ang meron ka na di ko madama sa iba?
Ano ba talaga ang meron ka na di ko madama sa iba?
Sinagip mo ko sa pagiisa
Sa mundo ko na nawalan ng gana
Ikaw ang medisina sa sakit na nadama
At kung mali man ang hangarin ka
Sa halaga mong di nila makita
Handa akong magkasala para sa'yo, sinta
Di na mahalaga
Ang sasabihin nila
Di na mangangamba
Kase nandyan ka na
Walang iba
Luntiang sinta
Ikaw ang tanging nasang makasama
Kahit pa hadlang sila
Hanggang huling hininga
Ikaw pa rin ang nasang madama
Walang iba
Walang iba
Luntiang sinta
Ikaw ang tanging nasang makasama
Kahit pa hadlang sila
Hanggang huling hininga
Ikaw pa rin ang nasang madama
Walang iba

Written by:
Arvin Jay Martin

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

123 Pikit!

123 Pikit!

View Profile